Komite para sa Bangsamoro
MANILA, Philippines - Magtatatag ng Adhoc Committee ang Kamara na siyang tatalakay sa Bangsamoro bill sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kamara.
P aliwanag ni House Majority leader Neptali Gonzales, sa sandaling matanggap na nila ang panukala ay bubuo sila ng nasabing komite para otomatikong dito na ire-refer ang panukala upang hindi na maging magulo dahil sa maraming komite ang maaaring tumalakay dito tulad ng committee on local government, Muslim affairs at Mindanao affairs.
Sinabi pa ni Gonzales na pipili sila ng isang abogado at constitutionalist na siyang magiging chairman ng komite at para magaling din magsalita samantalang otomatiko naman magiging miyembro ng Adhoc committee ang mga kongresista mula sa Mindanao at magiging vice-chaiman naman ang mga chairman ng mga committees.
Nilinaw naman ni Gonzales na kailangan maipasa sa plenaryo ang Bangsamoro bill bago umakyat dito ang budget deliberation sa Setyembre.
Inaasahan naman nito na gagawin certified urgent ni Pangulong Aquino ang Bangsamoro bill.
Sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara sabay-sabay na isasalang ang Bangsamoro bill, Anti-Political Dynasty bill at Chacha. (
- Latest























