Phl, US lalagda sa defense agreement
MANILA, Philippines - Tumanggi kahapon ang Palasyo na kumpirmahin ang napaulat sa Wall Street Journal na inaasahang lalagdaan ni US President Barack Obama sa pagtungo nito sa Pilipinas ang isang defense agreement kaugnay sa rotational presence ng mga sundalong Kano sa bansa.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ipapaubaya ng Malacañang kay Defense Undersecretary Pio Batino ang pagbibigay ng update tungkol sa ginagawang pag-uusap ng Pilipinas at US panels.
Inaasahang kabilang sa pag-uusapan nina PaÂngulong Aquino at Obama ang sinasabing rotational presence ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas.
Napaulat na isang “miniature jeep†ang nakatakdang gawing “token†o iregalo ng Malacañang kay Obama kapag nagtungo ito sa Palasyo.
- Latest