^

Bansa

2025 Regular, special holidays inilabas ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2025 Regular, special holidays inilabas ng Malacañang
Ito ay nakapaloob sa Proclamation No. 727 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong October 30.
Photo from Malacañang’s Facebook page

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Malacañang ang listahan ng mga regular holidays at special (non-working) days para sa taong 2025.

Ito ay nakapaloob sa Proclamation No. 727 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong October 30.

Kabilang sa mga walang pasok ang mga sumusunod: Regular Holidays: New Year’s Day - 1 January; Araw ng Kagitingan - 9 April; Maundy Thursday - 17 April; Good Friday – 18 April; Labor Day - 1 May; Independence Day - 12 June; National Heroes Day - 25 August; Bonifacio Day - 30 November; Christmas Day - 25 December; Rizal Day - 30 December.

Ang mga Special (Non-Working) Days naman ay ang Ninoy Aquino Day - 21 August; All Saints Day - 1 November; Feast of the Immaculate Conception of Mary - 8 December; Last Day of the Year - 31 December.

Idineklarang Special (Working) Day ang EDSA People Power Revolution Anniversary - 25 February.

Karagdagang Special (Non-Working) Days naman ang Chinese New Year - 29 January; Black Saturday - 19 April; Christmas Eve - 24 December at All Saints’ Day Eve - 31 October.

Ang mga proklamasyon na nagdedeklarang national holidays ang pagdiriwang ng Eidul Fitr at Eidul Adha ay ilalabas pagkatapos matukoy ang tinatayang petsa ng Islamic holidays alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o ang lunar calendar, o Islamic astronomical calculations.

MALACAñANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with