Napoles ooperahan Martes ng gabi
MANILA, Philippines – Nakatakdang operahan ang kontrobersyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles bukas ng gabi sa Ospital ng Makati (OsMak), ayon sa kanyang abogado.
Kinumpirma ng abogadong si Fay Isaguirre-Singson na ooperahan ang kanyang kliyente upang matanggal ang myoma sa matris.
Gagawin ang opersasyon sa gabi, dagdag ni Isaguirre-Singson.
Noong Abril 8 ay sumailalim si Napoles sa endometrial biopsy upang malaman kung ano ang kailangan gawin ng mga doktor.
"The first procedure is actually the prelude of another procedure or surgery. Because ang findings nung first procedure that we will do, will dictate kung ano yung klase o extent ng procedure na gagawin namin. It will depend on the biopsy. Biopsy will dictate kung ano yung gagawin natin," wika ng OsMak medical director na si Dr. Perry Peralta.
Naka-hospital arrest si Napoles matapos payagan ng Makati Regional Trial Court Branch 150 na magpaopera.
Unang hiniling ng kampo ni Napoles na sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City siya operahan ngunit hindi ito pinalusot ng korte.
- Latest