2 PCG men sa Balintang shooting, pinaaaresto
MANILA, Philippines - Iniutos na ng korte sa Cagayan na arestuhin ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) na akusado sa naganap na madugong insidente sa Balintang Channel.
Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng Municipal Trial Court of Sta. Ana, Cagayan Branch 11 laban kina Commanding Officer Arnold Enriquez dela Cruz at Seaman 1st Class Mhelvin Aguilar Bendo II para sa kasong obstruction of justice.
Gayunman, itinakda naman ang P12,000. piyansa para sa pansamantalang paglaya nina dela Cruz at Bendo.
Ang obstruction of justice ay isinampa ng DOJ laban sa dalawa dahil sa pagsusumite ng palsipikadong gunner report.
Matatandaan na isang Taiwanese fisherman ang namatay nang tamaan sa pamamaril ng mga tauhan ng PCG na sakay ng MCS-3001 patrol boat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resourcessa Balintang Channel noong Mayo 9, 2013.
- Latest