Gun exemption sa newsmen giit
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Samar Congressman Mel Senen Sarmiento na dapat nang ikonsidera ng Philippine National Police ang pagbibigay ng special exemption sa mga journalist at miyembro ng hudikatura sa mga rekisitos sa pagkuha ng lisensiya ng baril.
Ginawa ni Sarmiento ang panawagan kasunod ng panibagong pagpatay sa isang babaeng reporter sa Cavite kamakailan.
Ipinaliwanag ni SarÂmiento na maraming miyembro ng media ang nahaÂharap sa mga kasong libelo kaya mahirap sa kanilang makakuha ng clearance ng korte at ng National Bureau of Investigation na kinakailangan sa pagkuha ng linsensiya sa baril alinsunod sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Dapat din anyang isama sa exemption na ito ang mga court sheriff, prosecutor at mga huwes dahil malimit na inaani nila ang galit ng ibang mga tao tulad ng mga notoryus na kriminal.
“Bagaman pinahihintulutan ng batas ang media at ang mga nasa hudikatura na magkaroon ng sariling baril, mukhang kailangang ilibre sila sa mga rekisitos sa pagkuha ng lisensiya,†sabi pa ni Sarmiento.
Ikinalungkot ng Kongresista na, bagaman ginagawa ng PNP ang lahat para mapangalagaan ang mga mamamahayag, kulang naman ang mga tauhan ng pulisya para masawata ang mga pamamaslang sa mga miyembro ng media at hudikatura.
Makakapigil anya sa mga salarin ang malaman nilang armado rin at sanay makipagbarilan ang kanilang tatargetin.
Ginawa ni Sarmiento ang rekomendasyon kasunod ng ulat sa pagkakapaslang sa tabloid reporter at radio blocktimer na si Rubie Garcia. Binaril at napatay siya sa loob ng bahay sa harap ng kanyang mga anak sa Bacoor, Cavite noong Linggo.
- Latest