Delfin Lee handing magsalita sa Senate probe
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng kahandaan si Globe Asiatique President Delfin Lee na tumestigo at nangako siyang makikiÂpagtulungan sa imbestigasyon ng Senado sa linggong ito.
Nangako rin si Lee na lilinawin niya sa publiko ang nasa likod ng umano’y housing scam na naging dahilan para arestuhin siya at ikulong sa provincial jail ng Pampanga.
Sa isang pahayag na ipinalabas sa pamamagitan ng abogado niyang si Willy Rivera, iginiit ni Lee na isang ‘panlilinlang at malaking biro’ ang umano’y multi-billion housing fund scam.
“Para sa hustisya at patas na labanan, isinasailalim ko ang sarili ko sa imbestigasyon ng Senado para ibunyag sa publiko ang totoong sirkumstansiya sa kaso at sa patuloy na alegasyon laban sa aking integridad at gawain sa negosyo,†sabi pa sa pahayag.
Iginiit ni Lee na inosente siya sa mga kasong isinampa laban sa kanya. Mapanlinlang umano ang umano’y manipulasyon at sabwatan na naging disbentahe sa mga homebuyer.
Isasagawa ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement na pinangunguluhan ni Sen. JV Ejercito ang unang pagdinig sa umano’y housing scam. Inimbitahang magsalita si Lee at si dating Vice-President at Housing and Urban Development Coordinating Agency (HUDCC) Chairman at ngayo’y broadcaster Noli de Castro para linawin ang umano’y multi-billion Pag-Ibig Fund housing loan “rip-offâ€.
Hinihintay pa ng kampo ni Lee ang subpoena ng Senate Committee on Urban Planning.
Sinabi naman ni Rivera na hindi igigiit ni Lee ang karapatang konstitusyunal nito laban sa self-incrimination sa pagdinig sa Senado dahil walang itinatago ang kanyang kliyente.
- Latest