Bagong bagyo nagbabanta
MANILA, Philippines - Isang low pressure area ang patuloy na sinusubaybayan ng Philippine Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa silangang bahagi ng bansa na pinangangambahang maging bagyo.
Ayon kay weather forecaster Buddy Javier, ang naturang sama ng panahon ay inaasahang papasok sa susunod na linggo sa Philippine area of responsibility.
Anya, malaki ang tsansa na tuluyang mabuo bilang bagyo ang naturang LPA na tatawaging Domeng.
Sa kabila nito, patuloy namang nakakaranas ng maalinsangang panahon sa iba’t ibang panig ng bansa partikular sa Metro Manila sa susunod na tatlong araw.
Kahapon, naglalaro sa 24 hanggang 35 degrees Celsius ang antas ng temperatura. Noong March 28, naitala ang pinakamainit na panahon sa MM na umabot sa 35.7 degrees Celsius.
- Latest
















