^

Bansa

Maging laging matapat … Pnoy sa PNP grad: ‘No kotong’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinamon ng Pa­ngulong Benigno Aquino III ang 202 na bagong graduates ng Philippine National Police Aca­demy (PNPA) Class 2014 na maging halimbawa ng matuwid na pamamahala at huwag masangkot sa ano mang uri ng pangongotong.

Sinabi ng Pangulong Aquino sa kanyang mensahe na kung maging pulis ay dapat magserbisyo ng tapat sa taumbayan na may kaakibat na dedikasyon at huwag gumawa ng katiwalian na magsisilbing kalawang sa imahe ng PNP.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat masangkot at maging pasimuno sa pangongotong sa mga mapupunta sa PNP at kung maging bumbero ay hindi dapat usad-pagong sa pagresponde kung may sunog.

Aniya, dapat isabuhay ang natutunang katapatan sa loob ng akademiya at huwag biguin ang taumbayan.

Iginiit din ng Pangu­long Aquino na hindi nagkukulang ang gob­yerno sa pangangaila­ngan ng mga pulis.

Inihayag ng Pangulo na kararating lang ng mga bagong baril ng mga pulis at nalalapit ng makamit ang 1-1 pistol-police ratio.

Samantala, limang kadete ng PNP academy batch 2014 ang hindi napasama sa graduation rites kahapon ng umaga dahil sa kanilang medical conditions.

Sinabi ni PNPA Director P/Chief  Supt. Noel Constantino, ang tatlong kadete ay natuklasan na may white parkinsons syndrome related sa puso, color blind at positibo sa tuberculosis.

Bago i-kumisyon, isinasailalim ang mga kadete sa final medical exam habang  nadismis naman ang dalawang kadete na nandaya sa exam at nanuntok sa isang plebo.

Tumanggi naman si Constantino na tukuyin ang pangalan ng mga kadete pero palaisipan naman sa marami kung bakit nakapasok at gumugol pa ng apat na taon bago natuklasan ang sakit ng tatlo, lalo na ang may parkinson’s disease.

Si Constantino ay naitalaga ni PNoy bilang PNP academy director noong nakalipas na taon. Sa kabuuang 202, sampung kadete ang mga babae at 192 ang mga lalaki.

 

BENIGNO AQUINO

DIRECTOR P

NOEL CONSTANTINO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACA

SI CONSTANTINO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with