^

Bansa

Karnaper na lolo, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Himas rehas ang isang 56-anyos na lolo matapos masakote ng mga barangay tanod sa pagtangay sa isang motorsiklo sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon  ng umaga.

Nagtamo pa ng sugat sa noo  at tuhod na nai-turn over na sa Manila Police District-Anti Carnapping Unit ang suspek na si Lorencio Bobis,   residente ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City. Ito’y dahil sa reklamong idinulog ng biktimang si Mansueto Pugo Jr., 44, Bataan St., Sta. Mesa.

Nabatid na habang abala ang biktima sa paghahakot ng mga telang tatahiin para sa graduation ay saka naman sinamantala ng  suspek na tangayin ang nakaparadang motorsiklo ng una  sa tapat ng kaniyang bahay  dakong alas-7:30  ng gabi.

Nakita lamang ng kapatid ng biktima ang pagpapatakbo ng suspek sa motorsiklo kaya hinabol at nagpatulong sa mga barangay tanod na nakadakip sa suspek.

Nataranta umano ang suspek dahil sa mga humahabol na awtoridad kaya nabangga sa pader dahilan upang magkasugat at hindi na makatakas.

vuukle comment

ADDITION HILLS

BATAAN ST.

BRGY

HIMAS

LORENCIO BOBIS

MANDALUYONG CITY

MANILA POLICE DISTRICT-ANTI CARNAPPING UNIT

MANSUETO PUGO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with