PMA prexy, Cedric Lee kinasuhan ng tax evasion
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Philippine Medical Association (PMA) President Leo Olarte sa Department of Justice kaugnay ng umano’y P2.93-milyong tax liability nito.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, ang kaso ay isinampa kay Olarte bunga ng ilang beses nang hindi pagbabayad ng income tax at value added tax nito at pagkabigo na mai-file ang kanyang annual income tax return (ITR) at VAT return bukod sa pagkabigo na bayaran ang kanyang income tax at VAT sa taxable year na 2006 hanggang 2012.
Sinasabing bukod sa isang doctor si Olarte ay isa rin itong abogado.
Niliwanag ni Henares na empleyado sa ilang kumpanya si Olarte at propesyunal din ito, kaya kailaÂngan siyang magpasa ng ITR gayundin ng VAT return dahil inirehistro niya ang sarili bilang VAT taxpayer.
Ang BIR at si Olarte ay minsan nang nagkapasaÂringan ng kani-kanilang mga pahayag nang magkaroon ng shame campaign ang ahensiya na nagpapakita ng advertisement ng isang guro na buhat-buhat ang isang doctor na hindi umano nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.
Samantala, sinampahan din ng kasong tax evasion ng BIR sa DOJ ang negosyanteng si Cedric Lee, isa sa mga suspek sa umano’y pambubugbog sa actor-host na si Vhong Navarro.
Si Lee bilang presidente ng Izumo Contractors Inc. ay kinasuhan kasama ang kanyang chief operating officer na si John K. Ong at finance officer na si Judy Gutierrez Lee dahil sa paglabag sa Internal Revenue Code mula taong 2006 hanggang 2009.
May kabuuang P194.47 milyon ang hindi umano nila nababayarang buwis.
- Latest