Tag-araw idedeklara ngayong linggo ng PAGASA
MANILA, Philippines - Unti-unti nang nawawala ang epekto ng hanging amihan at inaasahan ang pagkawala nito ngayong linggo, ayon sa state weather bureau.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Miyerkules na maaari nilang maideklara ngayong linggo ang panahon ng tag-araw.
Dagdag nila na umiiral na ang easterlies o ang mainit na hangin mula sa karagatang Pacifico sa silangang bahagi ng bansa.
Kinakailangang mawala nang tuluyan ang hanging amihan, manaig ang easterlies at magkaroon ng high-pressure area (HPA) bago magdeklara ang PAGASA ng panahon ng tag-init.
Ang easterlies at HPA ang nagpapainit sa bansa na inaasahang magtatagal hanggang kalagitnaan ng Hunyo.
Samantala, maglalaro sa. 22 hanggang 33 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.
Makararanas ng maaliwas na papawirin ang buong bansa na may pulu-pulong pag-ulan sa hapon o gabi.
- Latest