^

Bansa

Alyansang Binay-GMA kinakasa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyan uma­nong pinaplantsa ang alyansa ng grupo nina Vice President Jejomar Binay at mga lokal na kaalyado ni dating Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang pag­hahanda sa halalan sa taong 2016.

Kinumpirma mismo ni Senador JV Ejercito na nakikipag-ugnayan sila sa Lakas-Christian Muslim Democracts (Lakas-CMD) na pinangunguluhan ni Arroyo.

Inaamin din ng senador na mayroon nang namumuong unawaan sa istratehikong alyansa sa partido ng dating Pa­ngulo sa pamamagitan ni Leyte Congressman Martin Romualdez na lider ng Arroyo-allied independent bloc sa House of Representatives.

Si Ejercito naman ang naatasan ni Binay na mag-organisa sa mga li­der ng mga pamahalaang lokal para sa taong 2016.

Pero ipinahiwatig ng political analyst na si Mon Casiple na pera umano ang dahilan sa pakikipag-alyansa ni Binay kay Arroyo­.

Sinabi ni Casiple na bumaba ang popula­ridad ni Arroyo makaraang makasuhan ng plunder at makulong kaya maitu­turing umanong kiss of death ang pakikipag-alyansa­ rito.

Masasabi umanong nakikipag-alyansa lang sina Binay kay Arroyo para magkaroon sila ng dagdag na  pondo sa kampanya sa halalan.

Para kay Casiple, TRAPO o traditional po­litics ang istratehiya na ito kung saan ang da­ting magkagalit at da­ting kaaway na partido ay kayang yakapin para lamang sa ambisyon sa 2016 election­.

Masasabi umanong makakaya ng kampo ni Binay ang magkaroon ng ‘strange bed­fellows” o maging katabi at makasalamuha ang mga dating kaaway para masiguro ang target nitong maging susunod na pangulo ng bansa.

Taong 2011 pa lamang ay kinumpirma na ni Binay ang pagtakbo nito bilang pangulo  sa 2016.

BINAY

CASIPLE

EJERCITO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LAKAS-CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRACTS

LEYTE CONGRESSMAN MARTIN ROMUALDEZ

MASASABI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with