^

Bansa

Sa pagkamatay ng Taiwanese fisherman, 8 PCG men kinasuhan ng homicide

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong homicide sa Department of Justice (DOJ) ang walong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng insidente ng pamamaril sa mga mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel na ikinasawi ng isa sa mga ito.

Sa 79-pahinang re­solusyon na aprubado ni Prosecutor General Claro Arellano, pinakakasuhan na sina Commanding Officer Arnold Enriquez dela Cruz, Seaman First Class Ebrando Quiapo Aguila, Mhelvin Aguilar Bendo II,  Andy Gibb Ronario Golfo, Henry Baco Solomon, Sunny Galang Masangcag; Seaman Second Class Nicky Renold Aurelio at Petty Officer 2 Ri­chard Fernandez Corpuz. 

Sinampahan din ng kasong obstruction of justice sina dela Cruz at Bendo sa umano’y pekeng report na isinumite ng mga ito.

Mayo 9, 2013 nang mabaril ng mga miyembro ng Coast Guard ang ilang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel na ikinasawi ni Hung Shih-cheng. 

Tumaas ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan bunsod ng pamamaril dahilan para magpatupad ang Taipei ng ilang sanction gaya ng ban sa mga manggagawang Pilipino.

ANDY GIBB RONARIO GOLFO

BALINTANG CHANNEL

COAST GUARD

COMMANDING OFFICER ARNOLD ENRIQUEZ

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERNANDEZ CORPUZ

HENRY BACO SOLOMON

HUNG SHIH

MHELVIN AGUILAR BENDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with