Kada araw, gastos kay Napoles P5K; ordinaryong preso, P54
MANILA, Philippines - Pinapaimbestigahan sa Senate Blue Ribbon committee ang nagagastos ng gobyerno sa itinuturong pork barrel fund scam queen na si Janet Lim-Napoles.
Sa Senate Resolution 574 na inihain ni Sen. Miriam Defensor Santiago, iginiit nito na dapat isama sa iniimbestigahan ng komite kung magkano talaga ang public funds na naaaksaya dahil sa paglalagay kay Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna gaÂyong dapat ay nakakulong lang ito sa ordinaryong bilangguan.
Umaabot umano sa P5,000 kada araw ang inilalaan ng Philippine National Police para kay Napoles samantalang nasa P54 lamang sa mga ordinaryong preso.
Nasa P150,000 naman ang kabuuang gastos para kay Napoles sa loob ng isang buwan samantalang P1,612 naman sa mga nasa ordinaryong bilangguan.
Kung susumahin umano aabot sa P1.8 milyon ang gagastusin ng gobyerno kay Napoles samantalang P20,000 lamang sa bawat ordinarÂyong bilanggo.
Nauna ng iginiit ni SanÂtiago na dapat ipasaÂgot kay Napoles ang ginagastos sa kanya ng pamahalaan kung nais nitong manatili sa Fort Sto. Domingo.
Kung wala naman aniyang isisiwalat si Napoles tungkol sa nalalaman niya sa pork barrel fund scam ay walang dahilan para bigyan ito ng special treatment at dapat ay ilipat na sa ordinaryong bilangguan.
- Latest