^

Bansa

Cadet Cudia hindi na makaka-gradweyt

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumuho ang pa­ngarap ni Cadet Aldrin Jeff Cudia dahil hindi na ito makakasama sa gra­duation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class 2014 sa darating na Marso 16.

Ito’y matapos pagtibayin ng PMA Cadet Review and Appeals Board (CRAB) ang resulta ng imbestigasyon ng Honor Committee na iniutos ang dismissal o pagpapatalsik kay Cudia dahilan sa paglabag umano sa Cadet Honor Code.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP spokesman Major Gen. Domingo Tutaan Jr., nakitaan ng ‘regula­ridad’ ng review board ang ipinataw na kaparusahan ng Honor Committee na binubuo ng mga kasamahang kadete ni Cudia sa nasabing isyu. 

Una nang umalma ang pamilya ni Cudia na dapat sana’y No. 2 sa kabuuang 223 magsisipagtapos ng PMA Class 2014 at top sa Navy Class sa umano’y mabigat na kaparusahan na ipinataw laban dito na ayon sa mga ito ay nag-ugat sa pagkahuli ng 2 minuto nito sa klase sa isa sa kaniyang mga aralin.

Sinasabing hindi naibigan ng Honor Committee ang naging paliwanag ni Cudia sa pagsisinungaling umano nito sa pagkahuli sa klase na isang paglabag sa Honor Code na ‘do not lie, do not steal at do not cheat’ na mahigpit na sinusunod sa PMA.

Ayon kay Tutaan ang rekomendasyon ng CRAB na may petsang Marso 10 ay isinumite na kay AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista at inindorso na ni Defense Secretary Voltaire Gazmin sa Office of the President.

“They (PMA) are re­affirming the first recommendation as far as the dismissal of cadet Cudia,” giit pa ni Tutaan.

CADET ALDRIN JEFF CUDIA

CADET HONOR CODE

CADET REVIEW AND APPEALS BOARD

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF GEN

CUDIA

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

DOMINGO TUTAAN JR.

HONOR COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with