^

Bansa

Jinggoy may ‘pasabog’ vs testigo ng DOJ sa PDAF scam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihahanda na ni Se­nator Jose “Jinggoy’” Estrada ang kanyang privilege speech o ‘pasabog’ laban sa mga testigong hawak ng Department of Justice tungkol sa P10 bilyong pork barrel fund scam kung saan isinasangkot ang senador.

Pero kung matatapos kaagad ni Estrada ang inihahandang talumpati posibleng ngayong araw na ito (Martes) niya isagawa ang kanyang privilege speech.

Partikular na tatamaan sa speech ni Estrada ang dating  opisyal ng Technology Resource Center (TRC) na si Dennis Cunanan.

Maging si Senator Ramon “Bong Revilla umano ay naghahanda na rin ng privilege speech pero hindi umano alam ni Estrada kung tungkol saan ito.

Inihayag din ni Estrada wala  na siyang balak na gayahin ang balak na paghahain ng “perjury case” ni Revilla laban kay Cunanan lalo pa’t nakaka-kontra ang pahayag nito at ng isa pang testigong si Benhur Luy.

Matatandaan na sa nakaraang hearing sa Senado sinabi ni Cunanan na wala siyang natanggap na kickback sa pork barrel funds pero sinabi ni Luy na binigyan ito ng salapi ng itinuturong utak ng scam na si Janel Lim-Napoles.

Ayon kay Estrada sa mismong hearing ng komite ay nakita ang pagkasira ng mga nag-aakusa sa kaniya. Naniniwala rin ang senador na bahagi ng 2016 presidential elections ang ginagawang pagdidiin sa kanya sa pork barrel fund scam.

 

vuukle comment

AYON

BENHUR LUY

BONG REVILLA

CUNANAN

DENNIS CUNANAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANEL LIM-NAPOLES

SENATOR RAMON

TECHNOLOGY RESOURCE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with