^

Bansa

Pork case nagkaka-problema

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Naniniwala ang ilang kongresista na magkakaroon ng problema sa kaso ng pork barrel scam ang mga magkakaibang pahayag sa pagitan ng mga testigo na sina Benhur Luy at dating TRC director Dennis Cunanan.

Dahil dito ayon kay Abakada partylist Rep. Jonathan dela Cruz, kayat nalalagay ngayon sa pa­nganib ang pagsisikap ng gobyerno na malaman ang katotohanan sa nasabing scam. Giit ni dela Cruz, mahalaga na mailabas ng gobyerno ang records mula sa Department of Budget and Management (DBM) tungkol sa mga releases nito mula 2007-2009 o panahon ng Arroyo administration at ng records mula 2010-2012 ng kasalukuyang gobyerno na sinasabing may problema sa ngayon. Sa nasabing records umano makikita kung gaano kalaki ang problema sa PDAF at kung tama ang mga sinasabi ng mga testigo.

Hindi naman anya ma­wa­walan ng saysay ang pagsisikap ng gobyerno na malaman ang nasa likod ng pork scam subalit nagkaroon na ng butas sa testimonya ng mga testigo. Nagkaroon din ng problema ang DOJ kay Atty. Levito Baligod na dating abogado ni Luy na posibleng hindi nagkakaintindihan sa pagitan naman ni Justice Secretary Leila de Lima tungkol sa kung anong ilalabas at hindi na impormasyon.

 

ABAKADA

BENHUR LUY

CRUZ

DAHIL

DENNIS CUNANAN

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GIIT

JUSTICE SECRETARY LEILA

LEVITO BALIGOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with