^

Bansa

Mga nais mag-abroad, pinayuhang matuto ng aral sa ‘12 Years a Slave’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat matuto ng mga aral mula sa Oscar-winning film na “12 Years a Slave” ang mga Pinoy na naghahanap ng trabaho sa ibayong dagat

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Hans Leo Cacdac, bagamat ang kasaysayan ni Solomon Northup, na ipinagbili bilang alipin matapos na dukutin ng dalawang lala­king pinagkatiwalaan nito ay naganap mahigit 100 na ang nakakaraan, ang mga aral na makikita sa kwento ay mahalaga pa rin sa panahong ito.

“(More than) 173 years removed from this story of betrayal, kidnap, and slavery, we can still learn lessons from the means and circumstances of Solomon’s recruitment,” ani Cacdac, at iginiit na nagaganap pa rin ang pang-aalipin sa ngayon.

Pinayuhan ni Cacdac ang mga Pinoy na nagnanais na magtrabaho sa abroad na maaari naman silang makaiwas sa pangit na kapalaran sa ibang bansa sa pamamagitan nang pag-iwas sa illegal recruitment at human trafficking.

Tulad sa naturang pelikula, sa ngayon ay may mga illegal recruiters at human trafficker pa rin na kinukuha muna ang tiwala ng mga nais maging OFW bago biktimahin ang mga ito.

Pinaalalahanan ni Cacdac ang publiko na maging maingat sa anumang pangako o alok, palagiang i-check ang estado ng recruiter at job offer sa DOLE, POEA at maging sa OWWA upang hindi silang maging biktima ng illegal recruiters.

ADMINISTRATOR HANS LEO CACDAC

AYON

CACDAC

DAPAT

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PINAALALAHANAN

PINOY

SOLOMON NORTHUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with