City engineer kinastigo ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Office of the Deputy Ombudsman for Luzon ang city engineer at building official ng Dagupan City dahil sa umano’y hindi pagkilos sa application ng AMB. ALC Holdings & Management Corporation para sa building permit noon pang Marso 22, 2013.
Naunang nasampahan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Grave Misconduct and Conduct Grossly Prejudicial to the Best Interest of the Service si Engr. Ma. Virginia V. Rosario sa Ombudsman.
Ikinatwiran ng naturang kumpanya na naisumite naman nila ang lahat ng requirement sa nabayaran ang building fee para sa renobasyon sanang isasagawa sa isang gusali na nakatayo sa isang property na binubuo ng apat na lote na nasa Zamora/Galvan Sts., Brgy. IV, Dagupan City na pawang mga rehistradong pag-mamay-ari ng nasabing kumpanya. Ang nasabing property ay aabot ng 5,113 square meters.
Nakatayo naman sa naturang lote ang walong palapag na gusaling Mc Adore International Palace na binili ng AMB ALC mula sa City Government ng Dagupan sa isang public “sealed bid†auction noong Enero 07, 2013 kung saan nanalo ang AMB ALC. Ang Deed of Absolute Sale ay ipinalabas noong Enero 22, 2013 na nilagdaan ni Dagupan City Mayor Benjamin Lim sa panig ng lokal na pamahalaan. Ang nasabing bilihan ay awtorisado ng 2 Sangguniang Panlungsod Resolutions.
Ayon sa complaint-affidavit ni Benjamin V. Ramos, kumakatawan sa AMB ALC, maliwanag umano na si Rosario ay lumabag sa Section 3, paragraph (a) ng Republic Act 3019, o mas lalong kilala sa “Anti-Graft and Corrupt Practices Actâ€.
Ayon naman kay Atty. Ferdinand Topacio, abugado ng ALC AMB, sa kabila ng pagiging kumpleto ng mga requirement ng kumpanya ay pinaikot-ikot lamang ito ng tanggapan ni Rosario at pagdating sa bandang huli ay hindi rin inaprubahan ang building permit ng kanyang kliyente.
- Latest