China baka gayahin ang Russia
MANILA, Philippines - Iginiit ni Iloilo Congressman Jerry Trenas na magkaroon ng natioÂnal emergency plan ang gobyerno sa paÂngambang mauwi sa isang giyera ang tensiyon na nagaganap sa Ukraine.
Ayon kay Trenas, ang panghihimasok ng Russia sa Crimea ay maari umanong gayahin ng China sa South China Sea at wala anyang magagawa ang Pilipinas sakaling gumamit ng puwersa at i-take over ng itinuturing na world’s biggest army ang pinagtatalunang mga isla kabilang ang Kalayaan at Bajo de Masinloc.
Bagaman ilang Pinoy communities lamang ang sangkot sa pinag-aagawang mga isla, ang posibilidad ng actual invasion sa major islands at full-blown armed conflict ay hindi umano dapat isinasantabi.
“The crisis in Ukraine could become a trigger point for a bigger conflict and while we don’t want to sound like an alarmist, there is no harm if we prepare our people on what to do in the event of a full blown armed conflict,†sabi ni Trenas.
Sabi pa ni Trenas, ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay dapat bumuo ng community-based “disaster resÂponse†units na tutugon sa emergency situations gaya ng mass evacuation.
Samantala ang Armed Forces of the Philippines Reserve Command ay dapat nagsasagawa na ng imbentaryo at pagsasanay ng reserve forces nito sakaling kailanganin.
Hinikayat ni Trenas ang NDRRMC at AFP na simulan na ang mga drills at simulation exercises upang pataasin ang kahandaan sa emergency situations kabilang na ang posibilidad ng armed conflict sa ibang bansa.
Binanggit ng solon na ang Pilipinas ay madalas binibisita ng mga bagyo at iba pang kalamidad, at nakakalungkot anya na karamihan sa mga barangay natin ay salat sa kagamitan.
“Our nation is weak not only because our armed forces if ill-equipped but also because our people have become too complacent that we have forgotten that we have a duty to defend our sovereignty,†dagdag ni Trenas.
- Latest