1,450 nakapasa sa PMA
MANILA, Philippines - Umaabot sa 1,450 examinees ang nakapasa sa Cadet Qualification Test ng Philippine Military Academy (PMA).
Ayon kay PMA spokesperson Major Agnes Lynnette Flores, kabilang sa mga nakapasa ay 952 lalaki at 498 babae na bubuo para sa PMA Class 2018.
Sa 12,195 examinees ay nasa 11,978 lamang ang nakumpleto o natapos ang pagsusulit sa kabuuang 37 examination centers sa isinagawang entrance test sa PMA noong Agosto 25, 2013.
Ang mga nakapasa ay sunod na sasalang sa proseso ng PMA Cadetship kabilang na ang physical examination na gagawin sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City.
“They will be made to undergo medical, psychological and physical examination to determine their fitness to undergo the four-year military training in the country’s most prestigious military school,†ani Flores.
Matapos ang serye ng mga eksaminasyon ay hihirangin naman ng PMA Cadet and Procurement Board ang mga kuwalipikadong kandidato para maging kasapi ng PMA Class 2018.
Ang mga nakapasa ay kailangang mag-report sa PMA sa Abril 1 para sa oath-taking ceremony at reception rites.
- Latest























