^

Bansa

Mga hukom pinaaarmasan!

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagpatay kay Zamboanga Judge Remerio Estacio Sr. kasabay ng panawagang bigyang armas ang mga huwes at piskal na humahawak ng mga sensitibong krimen sa bansa.

“VACC is deeply outraged at the senseless murder of Judge Estacio. He was certainly a pride of the judiciary and we feel profoundly sad to have lost him to ruthless criminals,” ayon kay Dante Jimenez, founding Chairman at pangulo ng VACC.

Pinamamadali rin ng grupo ang pulisya na agad na resolbahin ang kaso para mahatulan ang pumatay sa naturang Huwes.

Si Estacio ang presi­ding judge ng RTC branch 14 sa Zamboanga na bago patayin ay may hawak na mga sensational na kaso na kinasasangkutan ng mga pulitiko, mga pulis, at maging ang Abu Sayyaf. 

Kinilala si Estacio na walang takot at kinokonsiderang “pillar” ng Philippine Justice System ng kanyang mga kakilala.

Sabi ni Jimenez, kailangang tuldukan na ng otoridad ang kaso ni Estacio at hindi mapabilang na lamang sa statistics, tulad ng ibang heinous crime na hindi nalulutas sa ating bansa.

Kasabay nito ang pa­nawagan sa mga Huwes at prosecutors na huma­hawak din ng sensitibong kaso na mag-armas upang maprotektahan ang kanilang sarili sa mga hired killers ng bansa.

Bukod pa rito ang apela ng grupo na ibalik na ang death penalty sa mga kasong itinuturing na mga heinous crime, bago tuluyang bumagsak ang bansa bilang anarkiya.

Si Estacio ay tinam­bangan ng hindi pa kila­lang armadong mga lalaki na sakay ng motorsiklo habang papaalis ng kaniyang bahay, kasama ang misis na si Teresita Biyernes ng umaga.

Nagawa pang maitak­bo ang hukom sa ospital pero idineklara itong dead on arrival bunsod ng apat na tama ng bala na kanyang tinamo.

Inatasan na ni Chief Justice Lourdes Sereno si Zamboanga City Executive Judge Peter Eisma na masusing bantayan ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at ibigay ang kaukulang ayuda na kailangan ng pamilya ni Judge Estacio.

Umapela rin si Sereno sa mga awtoridad na madaliin ang imbestigasyon at tiyaking mapapanagot ang nasa likod ng krimen.

Bagamat kapos sa resources ang hudikatura para tugunan ang mga insidente ng karahasan laban sa kanilang hanay, patuloy anya silang haha­nap ng paraan para protektahan ang mga hukom.

ABU SAYYAF

CHIEF JUSTICE LOURDES SERENO

DANTE JIMENEZ

ESTACIO

HUWES

JUDGE ESTACIO

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

SI ESTACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with