^

Bansa

PNoy sasalubungin ng protesta sa Cebu

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasalubungin ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo si Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw sa paggunita ng EDSA People Power revolution sa Cebu City.

Inihayag ng Kilusan Para sa Pambansang De­mokrasya ang kanilang mariing pagtutol sa Cybercrime Law na  kinatigan kamakailan ng Korte Suprema.

Ayon kay Emalyn Aliviano, spokesperson ng Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya, nais nilang ipaabot kay Pangulong Aquino sa pagpunta sa Cebu ang hinaing ng mamamayan at mahigpit na pagtutol sa Cybercrime law na kikitil sa malayang pamamahayag.

Nakatakdang dumating ngayon ang Pangulong Aquino sa Cebu City upang doon gunitain ang ika-28 taong anibersaryo ng EDSA 1 na nagluklok sa kanyang ina na si yumaong Pangulong Cory Aquino at nagpatalsik naman kay yumaong Pangulong Ferdinand Marcos noong Feb. 25, 1986.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gugunitain ang anibersaryo ng EDSA 1 sa labas ng Metro Manila at sa Cebu City gaganapin.

Sa Capitol grounds ng Cebu City din gaganapin ngayong umaga ang makasaysayang ‘salubungan’ subalit wala naman ang mahahalagang perso­nalidad ng EDSA tulad nina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Sen. Gringo Honasan.

Ikinatwiran ng Malacañang na hindi ang mga personalidad ang mahalaga sa pagdiriwang ng EDSA anniversary kundi ang diwa ng EDSA.

 

CEBU CITY

CYBERCRIME LAW

EMALYN ALIVIANO

GRINGO HONASAN

KILUSAN PARA

KORTE SUPREMA

METRO MANILA

PAMBANSANG DE

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with