^

Bansa

Bulacan gov. kinasuhan ng graft

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado kahapon dahil sa umano’y anomalya sa milyon-mil­yong pondo ng pamahalaang panlalawigan.

Sa reklamo ng isang Antonio Manganti ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan binanggit nito ang audit report na inilabas ng Commission on Audit (COA), kung saan nagkaroon umano ng mismanagement sa pondo ng lalawigan, gaya ng unliquidated cash advance ng intelligence fund ng gobernador na nagkakahalaga ng P197.5 milyon bukod pa ang P200.25M unliquidated cash ng iba’t ibang pinuno ng kapitolyo ng Bulacan.

Ayon pa rin sa COA report, nag-hire ng mara­ming job order, contractual at consultants ang Kapitolyo na hindi umano kuwalipikado. May 72 consultants, 645 casual employee,371 job order, 271 contractual, 244 service contract. Kasama umano sa consultant ng Kapitolyo ay mga pari at bishop mula sa iba’t ibang sekta.

Sumobra rin daw ng P89.82 milyon ang donasyon na ipinamahagi ni Alvarado sa iba’t ibang non-governmental organization ng walang accreditation mula sa Sangguniang Panlalawigan.

Gumagastos umano ito ng hindi naka-plano sa Annual Procurement Plan na naaayon sa batas. Nabatid na bumibili ang kapitolyo ng equipment, supplies mater­yales para sa gawaing pang-mprastraktura.

Kasama ring kinasuhan sina Belinda Bartolome, Provincial Treasurer; Marina Flores, Budget Officer; Maritess Friginal, Accountant; Arlene Pascual, Planning and development coordinator; Jim Valerio, Provincial Administrator and Bids and Awards Committee Chairman at Engr. Marina Sarmiento, General Services Officer.

 

vuukle comment

ANNUAL PROCUREMENT PLAN

ANTONIO MANGANTI

ARLENE PASCUAL

BELINDA BARTOLOME

BUDGET OFFICER

BULACAN

BULACAN GOV

GENERAL SERVICES OFFICER

JIM VALERIO

KAPITOLYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with