^

Bansa

3 testigo pa sa ‘pork’ lalantad: TRC chief, Ranillo interesado rin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo pang mga testigo sa pork barrel scam na mga dating empleyado ng gobyerno ang nagpahayag ng kanilang ka­handaang lumantad upang magbigay ng testimonya hinggil sa kanilang nalalaman sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Levito Baligod, abogado ng mga whistleblowers, sa panayam ng Bombo Radyo kung saan sinabi nito na masusi na nilang pinag-aaralan ang affidavit ng tatlong posibleng maging testigo rin.

Ayon kay Baligod, ang tatlong sinasabing bagong witness ay nasa Pilipinas lamang at kabilang din sa mga nakasuhan sa pork barrel scam sa Office of the Ombudsman.

Inihayag ng abogado na ang paglutang ng iba pang mga respondents sa kaso ay posibleng dahil sa takot na maaaring makulong.

Sinabi ni Baligod na naiisip na ng mga  sangkot na seryoso ang DOJ at Office of the Ombudsman na siyasatin ang kaso at natatakot ang mga ito na makasuhan at makulong dahil sa kanilang partisipasyon.

Napag-alaman na si Ruby Tuason pa lamang ang naunang lumantad para maging testigo na kabilang sa mga nakasuhan.

Bago ito, nitong nakalipas na araw lumutang din ang pangalan ni Pauline Labayen na dating staff ni Sen. Jinggoy Estrada na umano’y handa na rin daw tumestigo.

Gayundin si Dennis Cunanan ng Technology Resource Center (TRC) ay nagsabi umanong interesadong tumestigo sa krimen.

Kamakalawa ay nagpahiwatig na umano kay DoJ Sec. Leila de Lima sa pamamagitan ng mga “feelers” na maging ang aktor na si Mat Ranillo III ay makikipagtulungan sa kaso.

vuukle comment

BALIGOD

BOMBO RADYO

DENNIS CUNANAN

JINGGOY ESTRADA

LEVITO BALIGOD

MAT RANILLO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PAULINE LABAYEN

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with