^

Bansa

Pagbili, pagbenta ng thesis, term papers ibabawal na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang makulong at pagmultahin ang sinumang magbebenta o bibili ng term papers, thesis at iba pang katulad na reports ng mga eskwelahan.

Ito ay sa sandaling maisabatas ang House bill 3793 o”Academic Honesty Act of 2013” na inihain ni Agri partylist Rep. Delhine Gan Lee.

Ayon kay Lee, dapat ng ipagbawal ang ganitong nakagawian ng iilan dahil isang importanteng pundasyon umano sa edukasyon ay pagsisipag, pagsusumikap at pagiging totoo.

Kaya importante umano na ang nakuhang academic achievement ng isang estudyante at mula sa kanyang sariling pagsusumikap o paghihirap ay hindi binayaran o binili mula sa iba.

Bukod dito ang academic credentials ay kinakailangan din para makapasok sa trabaho, promosyon o pagtataas sa sahod o pagpasok sa isang prestihiyosong institusyon.

Sa ilalim din ng panukala, ipagbabawal sa sinuman na magbenta o bumili ng anumang materyales tulad ng dissertion, thesis, term papers, essays, reports at iba pang report assignment sa eskuwelahan

Ang sinumang lalabag ay may katapat na parusang naaresto menor o 1-30 araw na pagkakakulong  o multang P10,000.

ACADEMIC

ACADEMIC HONESTY ACT

AGRI

AYON

BUKOD

DELHINE GAN LEE

IBA

KAYA

MAAARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with