Tuason tetestigo ngayon
MANILA, Philippines - Tututukan ng Malacañang ang pagtestigo ngaÂyon sa Senado ni Ruby Tuason sa nalalaman nito sa P10 bilyong pork barrel scam at Malampaya fund scam.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., inaasahan ng Pangulo na pawang katotohanan lamang ang sasabihin ni Tuason sa harap ng mga senador at ng publiko.
Aantabayanan ng Palasyo ang mga testimonya ni Tuason hinggil sa nalalaman niya sa pork barrel at Malampaya.
Dahil sa malaking interes ng taumbayan sa isyu, sinabi ni Coloma na inaasahang tututukan din ito ng mga mamamayan dahil buwis nila ang sangkot sa anomalya.
Kaugnay nito, ipinauubaya ng Palasyo sa DOJ kung hihimuking maging testigo rin si Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile.
- Latest