Paniningil sa mahihirap na pasyente, bawal - PhilHealth
MANILA, Philippines - Ipinaalala kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na bawal ang paniningil ng bayad sa gamot at maging professional fee mula sa mga mahihirap na pasyente o tinatawag na indigent patients na nagtutungo sa mga ospital ng gobyerno.
Sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Health and Demography kaugnay sa Universal Health Care and the National Health Insurance Program ng gobyerno, sinabi ni Atty. Alex Padilla, presidente at executive chief officer ng PhilHealth, na bawal ang paniningil sa mga mahihirap na pasÂyente alinsunod sa “no balance billing systemâ€.
Sinabi ni Padilla na sa ilalim ng “no billing system†hindi dapat magbayad na kahit isang sentimo ang mga indigent patients kapag siya ay nagpagamot.
“Ang ibig sabihin ng no balance billing ay wala ho dapat sya binabayaran ni singko for medicines, professional fees o kaya diagnostic. Wala ho sya dapat gastos,†ani Padilla.
Sa mismong araw umano ng admission ng pasyente ay wala ito dapat ginagastos.
Kung walang available na gamot para magamit ng pasyente, mismong ang ospital dapat ang bumili nito o dapat bigyan ng pera ang pasyente para ipambili ng gamot.
“Ang patakaran ho ang hospital ang magbibili ng gamot or magbigay ng pera sa pasyente para magbigay ng gamot. Pero hindi po dapat gumagastos ng sarili ang pasyente,†pahayag ni Padilla.
Pero idinagdag ni Padilla na ang “no billing system†ay para lamang sa mga mahihirap na pasyente na nagpapagamot sa mga government hospitals under ward conditions.
- Latest