Mga Pinoy, payag na ipagtanggol ng Pinas ang WPS vs China - SWS survey
MANILA, Philippines - Mas nakakaraming Pinoy ang nais na ipaglaban ng Pilipinas ang teritoryo nito sa West Philippine Sea laban sa agresibong pananakop at panghihimasok ng China.
Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa pulong balitaan kahapon sa DFA, iprinisinta ni Dr. Mahar Mangahas, Pangulo ng SWS ang resulta ng kanilang survey nitong Disyembre 11-16, 2013 mula sa 1,550 respondents, lumalabas na alam at suportado ng nakararaming Pinoy ang hakbang ng pamahalaan na ipagtanggol ang teritoryo ng bansa dahil sa pananakop at panghihimasok ng China.
Sa tanong kaugnay sa paghahain ng Pilipinas ng kaso laban sa China sa arbitral tribunal ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), lumalabas na 62 porsyento ng mga respondents ang matinding pumapayag habang 20 porsyento ang bahagyang payag o naniniwala.
Kaugnay sa tanong kung kailangan bang humingi ng tulong ang Pilipinas sa ibang mga bansa dahil sa pagpapalakas ng China ng kanilang puwersang militar sa WPS, 56 porsyento ang nagsabing sila ay matinding naniniwala na kailangan at 24 porsyento ang bahagyang pumapayag.
May 93 porsyento ang sumagot ng “yes†nang tanungin kung kailangan bang idepensa ng Pilipinas ang teritoryo nito at sa mga yamang dagat sa WPS sa pamamagitan ng legal na pamamaraan.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, mariing sinusuportahan ng mga Pinoy ang hakbang ng gobyerno na sundin ang “rule of law†sa pakikipaglaban sa WPS issue habang suportado rin ang arbitration case ng Pilipinas laban sa China.
Lumalabas naman na 73 porsyento sa mga responÂdents ang nagsabi na alam nila ang territorial dispute sa WPS habang 68 porsyento ang nagsabing alam din nila na maaaring may langis at gas na nakareserba sa naturang rehiyon.
- Latest