Protektahan ang LPPCHEA - Villar
MANILA, Philippines - Muling nanawagan si Sen. Cynthia Villar sa publiko na protektahan ang Las Piñas–Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) at tutulan ang anumang planong reklamasyon sa Manila Bay na makaaapekto sa naturang lugar na kabilang sa “Ramsar List of Wetlands of International Importance.â€
Ayon kay Villar, ang ating pakikiisa sa pagdiriwang ng World Wetlands Day ay isang paraan upang maipaabot sa lahat ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating mga karagatan at baybayin nito.
Aniya, para kilalanin ng isang international treaty organization ang global importance sa biodiversity ng LPPCHEA ay patunay na ito nga ay isang “critical habitat.â€
Bunga nito, sinabi ni Villar na kailangan nating panindigan ang ibinibigay na pagkilala ng Ramsar sa LPPCHEA sa pamamagitaan ng pangangalaga rito.
Itinuturing ni Villar na isang malaking karangalan hindi lamang sa mga siyudad ng Las Piñas at Parañaque kundi sa buong bansa ang mapabilang ang LPPCHEA sa Ramsar List.
Ang iba pang lugar sa bansa na nasa Ramsar List ay ang Tubbataha Reefs National Marine Park sa Sulu, Agusan Marsh Wildlife Sanctuary, Naujan Lake National Park sa Oriental Mindoro, Olango Island Wildlife Sanctuary sa Cebu at Puerto Princesa Subterranean River National Park in Palawan.
- Latest