^

Bansa

Graduation sa public schools itinakda sa Marso 27, 28

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Marso 27 at 28 itinakda ng Department of Education (DepEd) ang graduation ceremony sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng DepEd na hindi dapat sapilitan ang pagkolekta ng graduation fees sa mga estudyante.

Ayon kay DepEd spokesman Asst. Sec. Tonisito Umali, hindi pinipigilan ang mga prinsipal, adminis­trator at Parents-Teachers Association (PTA) ng mga pampublikong paaralan na mangolekta ng graduation fees para gawing memorable ang okasyon.

Gayunman, hindi aniya ito dapat maging hadlang para pigilang makapagmartsa ang estudyanteng bigong makabayad ng graduation fee.

Muling binigyang-diin ni Umali na dapat gawing simple lamang ang seremonya.

 

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

GAYUNMAN

GRADUATION

KAUGNAY

PARENTS-TEACHERS ASSOCIATION

SA MARSO

TONISITO UMALI

UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->