Tag-init na!
MANILA, Philippines - Inaasahan na ang pagpasok ng panahon ng tag-init ngayong unti-unti nang papaalis sa bansa ang hanging amihan o northeast monsoon.
Ayon kay Connie Dadivas, weather forecaster ng Pagasa, sinabi nito na ang papainit na panahon na nararanasan sa ngayon laluna ng marami sa Luzon ay bunga ng inaasahang pagpasok na ng summer.
Kahapon ang amihan ay nasa dulong hilagang silangan ng Luzon na unti-unti nang humihina.
Bunga anya ng pagÂhina at inaasahang pag-alis ng amihan sa bansa, maaari na anyang maapektuhan ng anumang sama ng panahon tulad ng bagyo ang Luzon.
Nitong nakaraang mga buwan anya na malakas ang amihan at malamig ang simoy ng hangin sa Luzon ay hindi ito apektado ng bagyong Agaton na tumama noong nakaraang buwan sa Visayas at MinÂdanao dahil sa amihan.
Sinabi ni Dadivas na ngayong papasok na ang summer, pinapayuhan nila ang publiko na palagiang magdala ng payong o anumang pananggalang laban sa init at huwag kakalimutan na magdala ng tubig para makaiwas sa dehydration.
Kaugnay nito, sinabi ni Dadivas na may cloud cluster ang kanilang minomonitor na maaaring magpaulan sa Mindanao ngayong Biyernes kayat pinapayuhan ang mga taga roon na mag-ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid para makaiwas sa epekto ng posibleng pagbaha at landslides.
- Latest