^

Bansa

PNoy kontra sa death penalty

Rudy Andal at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi kumbinsido si Pangulong Aquino na ang pagbabalik ng parusang bitay ang makakalutas sa tumataas na kriminalidad sa bansa.

Ayon sa Pangulo, hindi pa perpekto ang sistema ng ating hudikatura kaya kailangang ireporma muna ito at itama.

“Baka mamaya ay may inosenteng suspek na inakusahang mabitay dahil lamang sa hindi perpek­tong justice system natin.

Aniya, kapag ang isang tao ay hinatulan na ng kamatayan ay wala itong bawian kaya dapat pag-aralang mabuti muna ang panukalang ibalik ang death penalty.

Pero pag-aaralan din niya ang nasabing panukalang inihain ni Sen. Tito Sotto na ibalik ang death penalty.

Naniniwala rin si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na hindi makakasugpo ng krimen sa Pilipinas ang death penalty.

Sinabi nito na ang pag­huli sa mga kriminal at mabilis na pagpapataw ng hustisya ang kailangan ng bansa upang masugpo ang anumang kriminalidad.

Kaya umano malakas ang loob ng marami na gumawa ng krimen ay dahil hindi naman sila nahuhuli at kung mahuli man ay matagal maigawad ng hukuman ang hatol lalo na kung mayayaman at maiimpluwensiya ang nakagawa ng masama.

Ipinaliwanag pa ni Bishop Bacani na hindi na dapat ibalik ang death penalty sa Pilipinas dahil marami ng bansa sa buong mundo ang nagsisisi at inalis ang parusang kamatayan.

“Immediate reactions pabigla-bigla o biglang bugso ng damdamin dahil in the long run talaga ay progreso na itong nagawa natin na inalis ang death penalty. Sa European Union alam natin na hindi puwedeng pumasok sa European Union kung mayroon kang death penalty,” ani Bishop Bacani.

Iginiit ni Bishop Bacani na kinakailangan bigyan ng suporta at sikaping matulungan ang mga biktima ng krimen na magkaroon ng katarungan para magkaroon ng healing ang kanilang damdamin at maabsuwelto naman ang mga walang kasalanan. 

Samantala, hati rin ang mga senador sa panukala ni Sotto sa paniwalang hindi “deterrent” o nakakapigil sa paggawa ng krimen ang parusang kamatayan. (May ulat si Malou Escudero)

BISHOP BACANI

EUROPEAN UNION

MALOU ESCUDERO

NOVALICHES BISHOP EMERITUS TEODORO BACANI

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

SA EUROPEAN UNION

TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with