^

Bansa

Pagsasapribado sa Fabella hospital kinondena ng KMU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng  labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang planong pagsasapribado sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, ang tanging  ospital na paanakan ng mga buntis  para sa mga  mahihirap sa bansa.

Binigyang diin ng KMU na kapag naituloy ang natu­rang plano ay tiyak na kamatayan naman ang hatid nito sa mahihirap na ina at mga sanggol na nangangailangan ng serbisyo ng naturang pagamutan.

Ayon sa KMU, oras na maitayo ang ginagawang gusali na ginagawa ng  J. D. Legaspi Construction bilang bahagi ng P743-million deal, sa  San Lazaro headquarters ng Department of Health ay mangangahulugan lamang ito ng mataas na halaga ng bayarin sa pagamutan na hindi na kakayanin ng isang naghihirap na inang buntis para makapagsilang ng sanggol.

“Fabella’s privatization is a kiss of death to poor mothers and babies, and shows that Aquino is not only a Disaster President but also a Health Disaster. Instead of upholding the public’s interest by increasing subsidy to the health sector, Aquino is upholding big capitalists’ interest in privatizing public hospitals,” pahayag ni  Elmer “Bong” Labog, chairperson ng KMU.

Nananawagan ang KMU sa taumbayan na samahan silang hadlangan ang  Public-Private Partnership program ng pamahalaan na anila’y  siyang ugat ng pagsasapribado ng mga public hospitals tulad ng Fabella.

Maging ang Philippine Orthopedic Center sa Quezon City ay plano na ring ipagbili ng gobyerno.

 

AQUINO

DEPARTMENT OF HEALTH

DISASTER PRESIDENT

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

HEALTH DISASTER

KILUSANG MAYO UNO

LEGASPI CONSTRUCTION

PHILIPPINE ORTHOPEDIC CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with