‘Maraming silid-aralan ang ‘di pa tapos’ - DepEd
MANILA, Philippines - Inamin ni Education Secretary Armin Luistro na maraming proyekto nila sa pagtatayo ng silid-aralan ang hindi pa natatapos dahil sa ang sinusunod aniya nila ay ang school calendar at hindi ang fiscal year.
Ang pahayag ni Luistro ay reaksiyon sa ulat na nasilip umano ng Commission on Audit (COA) na maraming itinatayong silid-aralan sa bansa ang hindi pa natatapos.
Sinabi pa ni Luistro na ang target date ng departamento ay Mayo 2013 dahil ang sinundan nila ay ang school calendar. Ipinaliwanag niya na sinunod nila ang ganitong petsa dahil isinaalang-alang nila na baka magambala ang mga klase at mga aktibidad ng eskuwelahan sa mga construction work.
Sinabi rin ng kalihim na umaasa silang matatapos ng mga pribadong contractor ang mga proyektong iginawad sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) for School Infrastructure Project (PSIP), Adopt-A-School Program at iba pang proyekto.
- Latest