^

Bansa

Magsasaka nagpasaklolo kay Villar Piso-piso vs rice smugglers

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglunsad ang mga maliliit na magsasaka na karamihan ay nagmula sa Northern at Central Luzon ng “Piso-piso” campaign upang magkaroon ng pondo na magagamit bilang reward sa sinumang tetestigo sa imbestigasyon ng Senate Committee on Agriculture at magtuturo ng mga big time smugglers ng bigas sa bansa.

Ibinigay ng mga magsasaka ang initial na pondong P55,000 kay Senator Cynthia VIllar, chairman ng komite na mag-iimbestiga sa nangyayaring  rice smuggling.

Ayon kay Ofociano Manalo, presidente ng Confederation of Irrigators Association sa Region 1, ang mga maliliit na magsasaka ay nag ambag-ambag para magkaroon ng pondo dahil sila ang apektado sa isyu.

Ayon kay Manalo ang kampanya laban sa rice smuggling ang naging dahilan para tumaas ang presyo ng bigas na nabibili sa mga lokal na magsasaka.

Sinabi naman ni Rosendo So, convenor ng Sama­hang Industriya sa Agrikultura (SINAG) na umaasa sila na ang kanilang ginagawa ay magiging daan para matigil na ang smuggling. Nagpahayag pa si So ng kumpiyansa sa gagawing imbestigasyon ng komite ni Villar.

Ayon pa kay So, ang SINAG ay magbibigay ng tulong sa mga lokal na irrigators  para magkaroon ng pondo laban sa smuggling activities dahil apektado rin nito ang baboy, manok, sibuyas, at iba pang agricultural products.

Samantala, inihayag naman ni Sen. Cynthia Villar na dating coins smuggler ang rice smuggler.

“Si David Tan, ang negosyo dati niyan ay ang pagpupuslit ng barya palabas ng bansa pero ngayon ay smuggler ng bigas dahil mas malaki ang kita,” pahayag ng Senadora.

Nitong mga nakaraang araw ay nauna nang isiniwalat ni Senador Francis Escudero na mayroon siyang kilalang David Tan na nauugnay sa pagpupuslit ng P.25 na coins palabas ng bansa pero hindi umano siya sigurado kung ito rin ang napaghihinalaang rice smuggler.

“Pasok sa economic sabotage ‘yan dahil sa laki ng halaga ng mga bigas na ‘yan,”  sabi pa ni Villar.

Kinumpirma din ni Villar na nagpalabas siya ng ikalawang subpoena kay Tan para dumalo sa nakatakdang pagdinig ng Senado sa rice smuggling sa Miyerkules.

 

vuukle comment

AYON

CENTRAL LUZON

CONFEDERATION OF IRRIGATORS ASSOCIATION

CYNTHIA VILLAR

DAVID TAN

OFOCIANO MANALO

ROSENDO SO

SENADOR FRANCIS ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with