^

Bansa

Mahistrado hinamon sa paggamit ng savings

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Dasmariñas City Cong. Elpidio Barzaga, Jr., ang mga mahistrado ng Korte Suprema na bigyan pansin ang gawain ng mga nagdaang Punong Mahistrado sa paggamit ng kanilang savings.

Hamon ito ni Barzaga habang hinihintay ang desisyon sa constitutionality ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Giit ng kongresista, walang pinagkaiba ang DAP at Judicial Development Fund (JDV) kung saan nasa diskresyon ng punong mahistrado kung saan at paano ito gagamitin.

Tinukoy ni Barzaga ang Art. VI, Sec. 21 paragraph 5 ng constitution, PD 1177, Administrative Code of 1987 at annual General Appropriations Act (GAA) na pinapayagan ang lider ng 3 branches of gov’t, Ombudsman at mga constitutional bodies na gamitin ang kanilang savings.

Naniniwala si Barzaga na ano mang hindi paborableng desisyon ng SC sa DAP ay may malaking epekto sa function ng Presidente, Senate President, Chief Justice, Speaker of the House at pinuno ng constitutional bodies.

Paliwanag pa ng kongresista, hindi dapat mapilay ang otoridad ng Pangulo, Senate president, House speaker, Chief Justice, Ombudsman at constitutional bodies sa paggamit ng kanilang savings, bilang augmentation sa pangangailangan ng ibang tanggapan sa kanilang nasasakupan. Malinaw umano na ligal at konstitusyunal ang kapangyarihang ito dahil ang perang inire-realign ay nakapaloob at aprubado sa taunang GAA.

ADMINISTRATIVE CODE

BARZAGA

CHIEF JUSTICE

CITY CONG

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

ELPIDIO BARZAGA

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

JUDICIAL DEVELOPMENT FUND

KORTE SUPREMA

PUNONG MAHISTRADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with