Casino tambayan ng ‘assassins’
MANILA, Philippines - Nababahala si Valenzuela Rep.Sherwin GatÂchalian dahil sa nagiging tambayan na umano ng mga assassins ang mega-casinos kaya patuloy ang pagtaas ng transnational crimes sa bansa.
Dahilan dito kayat nagreresulta ito nang pagdagsa ng organized syndicates at assassins mula Tsina sa gaming/gambling industry, partikular sa mga casino.
Ayon kay Gatchalian, hindi dapat isantabi ang pagkakaaresto ng isang “Jerry Sy†nitong Disyembre 2013 sa paradahan ng isang casino sa bansa dahil sa kasong illegal possession of firearms.
Giit ng kongresista dapat na pagtuunan ng pansin ng mga law enforcement agencies ang takbo o pattern ng krimen, illegal businesses at aktibidades sa Pilipinas ng mga ito.
Ito ay dahil hindi maaÂaring isantabi na may ilang grupo na sangkot sa Chinese mafia ang nakapasok na sa mga casino.
Nakakaintriga din umano ang kaso ni Sy dahil hindi ito makasuhan bunsod sa wala itong pagkakakilanlan,walang pasaporte at wala rin record sa immigration ng pagpasok at paglabas nito sa bansa.
Nitong Disyembre 2013, si Sy na isa umaÂnong assassin ang naaresto na may dala-dalang mataas na kalibre ng baril at pampasabog subalit ibinasura ng Pasay Prosecutor’s Office ang kaso dahil sa kabiguan ng mga umaresÂtong pulis na makapagprisinta ng kinakailangang dokumento.
Nakapagpiyansa rin si Sy sa kasong illegal possession of drugs (shabu) na natagpuan sa loob ng kanyang sasakyan.
“These assassins are professionals and leave the crime scene clean as they go. Most of them are hired by loan sharks or maintained by China-based junket operators. These so-called assassins operate swiftly without a trace,†ayon pa sa mambabatas.
Idinagdag pa ni Gatchalian na sa biglang pagdami ng mga mega-casinos sa Metro Manila ay nakapang-engganyo ng mga high-roller players mula mainland China at Macau na handang gumastos ng milyon sa loob lamang ng isang gabi.
Nagiging alternatibong destinasyon ng mga high-rollers ang Pilipinas dahil sa kawalan ng gaming restrictions dito samantalang sa Macau, ang mga Chinese players umano ay may limitasyong makapasok para makapagsugal.
Nakatakda namang maghain sa susunod na linggo ng isang resolusÂyon ang mambabatas para sa imbestigasyon sa kaso ni “Jerry Sy.â€
- Latest