^

Bansa

Overspeeding sa expressways hahabulin na ng TRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hahabulin na ngayon ng mga elemento ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga pasaway sa expressways.

Ito ay ayon kay dating LTO Chief Bert Suansing na ngayon ay consultant ng TRB ang isang paraan na gagawin para madisiplina ang mga motorista sa mga tollways.

Ang pahayag ay ginawa ni Suansing bilang reaksiyon na rin sa naganap na aksidente na kinasasangkutan ng Don Mariano Transit noong nakaraang taon kung saan ang pagiging kaskasero umano ng driver nito ang napapaulat na ugat daw ng aksidente habang basa ang kalsada dahil umuulan noong panahong iyon.

Anya, peperwisyuhin na nila ngayon ang mga motoristang pasaway sa expressway sa pamamagitan ng paghabol sa mga ito.

“Pag nag-violate sila sa traffic rules and regulations sa expressways tulad ng over speeding, hahabulin namin sila dahil dun pa sa exit points sa tollways babantayan na sila ng mga tauhan natin,” pahayag ni Suansing.

Ayon kay Suansing, hindi na kailangan pang maitaas ang halaga ng penalty sa traffic violations ng isang motorista bagkus ay palagian nila itong peperwisyuhin sa pamamagitan ng palagiang paghuli sa mga ito.

“Yan ang isa sa mga pinaigting na kampanya ng TRB sa tollways para naman madala at maiwasan na ang pagiging kaskasero ng mga driver sa expressways,” dagdag ni Suasing.

Sinasabing ang pagiging kaskasero ng mga driver ang pangunahing ugat ng mga aksidente sa lansangan gaya ng killer highway sa Commonwealth, QC.

ANYA

AYON

CHIEF BERT SUANSING

DON MARIANO TRANSIT

HAHABULIN

PAG

SUANSING

TOLL REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with