^

Bansa

10 Pinay nasagip sa raid sa Malaysia

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampung Pinay ang nasagip sa isinagawang mga pagsalakay sa tatlong massage centers na pinaniniwalaang front ng prostitution sa Malaysia.

Ayon sa report, ang 10 Pinay ay kabilang sa may 35 kababaihan na nailigtas ng Malaysian authorities sa serye ng operasyon sa tatlong reflexology centers sa Setapak, Kuala Lumpur ng nakalipas na mga araw.

Bukod sa mga Pinay, kabilang sa mga nasagip ang 10 Chinese, 12 Thais at Vietnamese nationals na nasa kustodya ng mga awtoridad.

Naaresto sa raid ang anim katao na hinihinalang mga operator ng nasabing massage centers na hindi tinukoy ang mga pangalan kabilang ang isang Myanmar national at umano’y isang Pinay.

U­­nang­­­ inalok ang mga dayuhang kababaihan ka­sama na ang mga Pinay bilang mga propesyunal na masahista subalit isinadlak umano sila bilang sex slaves sa loob ng anim na buwan.

Nang dumating sa Ma­­­laysia ang mga biktima, agad na kinumpiska ang kanilang mga pasaporte at dinala at itinira sila sa mga makeshift rooms ng massage centers saka sila pinuwersa ng kanilang employer na magbigay ng sex service sa mga kustomer.

vuukle comment

AYON

BUKOD

KUALA LUMPUR

MYANMAR

NAARESTO

PINAY

SAMPUNG PINAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with