^

Bansa

‘Sugatan sa paputok 42 na’ - DOH

Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Limang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, umabot  na sa 42 ang naitala ng Department of Health na mga nasugatan sa paputok.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, kasama sa nasabing bilang ang isang taong gulang na batang lalaki mula sa Quezon City na nakalunok ng piccolo.

Sugatan naman at napinsala ang buto ng isang 23-anyos na lalaki mula sa Ormoc City matapos tamaan ng ligaw na bala sa balakang.

Pinakamalalang naita­lang kaso ang 65-an­yos na lalaki mula sa Iloilo na lumuwa ang mata matapos tamaan ng hindi pa tukoy na paputok nitong Martes.

Ipinapayo pa rin ng DOH na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay o magsayaw na lamang ng “Roar” sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Aniya, maaari namang gumamit ng mga tradisyunal na pampaingay tulad ng torotot, lata o lumang  kaldero.

Sa ganito aniyang paraan ay makasisigurong ligtas ang mga parte ng katawan o walang magbubuwis ng buhay.

ANIYA

AYON

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH ASSISTANT SECRETARY ERIC TAYAG

ILOILO

IPINAPAYO

ORMOC CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with