^

Bansa

Stakeholders sa Mla. Bay reclamation pinagsusumite ng position paper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagsusumite kahapon ng Pasay City Council ang S&P Construction and Technology Development Co. at Ayala Land Inc. ng kanilang position paper sa isinagawang committee hearing kahapon ukol sa 300 ektaryang reclamation project sa Manila Bay.

Sa naturang committee hearing, hindi nakadalo ang mga kinatawan ng SM Land Inc. Ayon kay Councilor Allan Panaligan, isinagawa ang pagdinig base na rin sa kahilingan ng SM Land Inc. upang mabigyan sila ng oportunidad para magpaliwanag ukol sa pagkaka-award sa kanila ng P54.5 bilyong proyekto.

Sa halip, nagpadala na lamang ang SM Land Inc. ng position paper para sa kanilang “motion for reconsideration” matapos na bawiin ng konseho ang inaprubahang kontrata para sa “Joint Venture Agreement (JVA)” sa pagitan nila at ng pamahalaang lungsod ng Pasay.

Sa kanilang position paper, iginiit ng SM Land Inc. na ang JVA ay isa nang perpektong kontrata at hindi na maaaring bawiin.

Pero kinontra ito ng mga kinatawan ng S&P at Ayala Land na dumalo sa pagdinig. Sinabi ni Atty. Mark Perette ng S&P na hindi maaaring ituring na “perfected contract” ang JVA dahil sa mga pagdududa sa isinagawang proseso sa pagpili ng PPP-SC sa kumpanyang magsasagawa ng reclamation.

Sa position paper pa ng SM Land Inc., hindi na sila dadalo sa anumang pagdinig ng Sangguniang Panglungsod dahil sa malinaw na nilang naihayag ang kanilang katayuan sa usapin. Dito na pinagsusumite ng Sanggunian ang S&P at Ayala Land ng sarili nilang “position paper” ukol sa proyekto.

AYALA LAND

AYALA LAND INC

COUNCILOR ALLAN PANALIGAN

JOINT VENTURE AGREEMENT

LAND

LAND INC

MANILA BAY

MARK PERETTE

P CONSTRUCTION AND TECHNOLOGY DEVELOPMENT CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with