Kapangyarihan ng HRET igigiit
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 167 kongresista na sumusuporta sa resolusyong humihimok sa Kamara na igiit ang kapangyarihan at hurisdiksyon ng House of Representatives Electoral Tribunal.
Sa House Resolution 597 ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, nakasaad na kailangang ipaglaban ng Kamara ang hurisdiksyon ng HRET na sa ilalim ng konstitusyon ay siyang tanging may kapangyarihan na duminig ng mga protesta laban sa mga nakaupong miyembro nito.
Una ng naglabas ng pinal na desisyon ang Korte Suprema na nagdidiskwalipika kay Congw. Regina Reyes bilang kinatawan ng Marinduque sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Masyadong mabigat din umano ang implikasÂyon ng nilalaman ng desisyon ng Korte Suprema kay Reyes dahil tatamaan dito maging silang na nakaupong kongresista.
Inihalimbawa dito ni Gonzales ang bahagi ng desisyon kung saan nakasaad na hindi dapat maupo si Reyes dahil hindi pa ito nakapapanumpa sa Speaker of the House sa isang open session.
Marami umano sa kanila ang hindi nanumpa kay Speaker Feliciano Belmonte dahil ang seÂremonyang ito ay para magkaroon lamang ng access ang halal na kongresista sa plenaryo.
Kung mauwi umano ang isyung ito sa consÂtitutional crisis o banggaan ng Korte Suprema at Kamara ay hindi nila ito kasalanan dahil hindi naman ang kapulungan ang nag-umpisa nito.
Matatandaan na si Congw. Reyes ang nanalo sa lone district ng Marinduque laban sa katunggali na si Lord Allan Valasco na anak ng isang associate justice ng Korte Suprema. Nanalo si Reyes ng 4,000 boto laban kay Velasco.
Samantala, sa kabila ng 167 na pirma ng mga kongresistang sumusuporta sa kanyang resolusyon, nilinaw ni Umali na hindi ito isang blackmail sa mga mahistrado ng Korte Suprema dahil sa issue ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
Paliwanag pa nito na kailangan nilang protektahan ang HRET dahil anuman ang maging desisyon nito ay makakaapekto sa Kongreso. Sa ngayon ay hindi muna umano sya maghahain ng impeachment laban sa sinumang mahistrado sa kabila ng maraming suporta mula sa kanyang mga kasamahan at depende pa rin aniya ito sa magiging resulta ng pag-uusap nila ni House Speaker Feliciano Belmonte.
- Latest