Nakawan sa relief goods bubusisiin ng DSWD
MANILA, Philippines - Bubusisiin ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang report na may nawawala at nakawan sa mga donasyong relief goods mula sa pribadong sektor para sa mga Yolanda victims sa Visayas.
Ang pahayag ay ginawa ni DSWD Eastern Visayas head Nestor Ramos bilang reaksiyon sa ilang media reports na nakarating na sa mga pamilihan at naibebenta na ang ilang food packs gayundin ay talamak umano ang bentahan nito sa online sites.
“The reality on the ground is there are NGOs (non-government organizations) directly distributing relief goods to LGUs (local government units)… In every municipality, we have already deployed (teams) to assess whether commodities are being received by our people in the villages,†pahayag ni Ramos.
Anya, wala namang nakakarating na balita sa kanya na laganap na ang pagkawala at pagnanakaw ng mga relief goods na ngayon ay sinasabing naibebenta na sa merkado.
Una nang naipakita sa telebisyon na ang Meals-Ready-to-Eat (MREs) na food pack na kasama sa naipadalang ayuda ng US Agency for International Development (USAID) para sa mga biktima ng bagyong Yolanda ay naibebenta na sa halagang P220 kada isa sa mga tindahan sa Metro Manila.
Sinasabi rin na ang paglipana ng mga relief items na naibebenta na ngayon sa mga pamilihan ay bunga ng pagkakaroon ng ilang local corrupt officials sa pamahalaan kayat di nakararating ang tulong ng ibat ibang bansa sa mga biktima ng kalamidad.
- Latest