Maging bahagi ng laban sa climate change – Salceda
MANILA, Philippines - Nanawagan si Albay Gov. Joey Salceda, co-chair ng UN Green Climate Fund (GCF), sa world community na tumulong sila ng totohanan laban sa climate at sa pagbangon ng mga bansang sinalanta nito.
Ginawa ni Salceda ang panawagan nang pasinayaan ang bagong headquarters ng GCF sa masiglang Songdo Free Economic Zone dito sa Songdo, Incheon City sa South Korea. Sinabi rin niyang sisikapin nilang mapasimulan agad ang mga program ng GCF para matulungan ang mga bansang pinadadapa ng malalakas na bagyo, gaya ng Pilipinas, at para mapasulong ang kakaÂyanan nilang labanan ang climate change at bumangon kung sinasalanta sila nito.
“Talagang nakapanlulumo ang pahirap na dulot ng climate change lalo na sa Asia. Sinalanta ni Haiyan, (Yolanda) ang Central Philippines noong ika-8 ng Nobyembre at nag-iwan ito ng 5,786 patay, 1.1 milyong tahanan na gutay-gutay at 11.2 milyon mga taong nawalan ng tirahan,†ayon sa kanya.
Sinariwa niya kung paano bumangon ang kanyang lalawigan ng Albay, sa tulong ng international community, nang lurayin ito ni Typhoon Durian noong 2006, na gumiba sa 203,000 mga tahanan at umapekto sa 1.1 milyong mamamayan nila.
Sa ginanap na inagurasyon ng GCF headquarters, pinasalamatan din ni Salceda ang mga Koreano sa tulong nila sa Albay noong 2007 matapos itong hagupitin at padapain ni Typhoon Durian.
Pinamunuan ni Salceda ang 170 kataong Team Albay sa Leyte at Samar dalawang araw matapos itong lurayin ni Yolanda.
- Latest