^

Bansa

7 Pinoy utas sa Yemen bombing!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong Pinoy workers ang kumpirmadong patay habang 11 pa nilang kasamahan ang nasugatan sa naganap na pag-atake ng mga terorista sa Yemeni Defense Ministry Complex sa Sana’a, Yemen kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), karamihan sa nasawi ay mga babaeng nurse at isang Pinoy doctor.

Nagtamo naman ng minor injuries ang 11 OFWs pero isa sa kanila ay sumailalim sa surgery sa ulo. Nanginginig at nagka-trauma ang mga ito nang masagip ng mga awtoridad.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na karamihan sa mga biktimang Pinoy ay nagtatrabaho sa isang ospital sa loob ng pinasabog na complex.

Tumanggi ang DFA na pangalanan ang mga patay at sugatan habang ipinaaalam pa ang kanilang sinapit sa kanilang pamil­ya sa Pilipinas.

Sa inisyal na report, dakong alas-9:30 ng umaga noong Huwebes nang sunud-sunod na umatake ang mga terorista sa complex.

Isinagawa ang unang pag-atake ng suicide car bomber sa gate ng complex kung saan matagumpay nitong napasabog ang dalang bomba na sinundan ng isa pang suicide bomber na nagtangkang pumasok subalit naharang ito ng mga awtoridad.

Ang ikatlong suicide bomber ay nakalusot at nakapasok sa loob ng complex at agad na pinasabog nito ang dalang eksplosibo na nagpaguho sa buong gusali ng complex.

Walang habas ding pinaulanan ng mga bala ng mga terorista ang mga tao sa complex gamit ang kanilang dalang automatic rifles.

Sa tala ng Yemeni go­vernment, umaabot sa 52 katao kabilang ang mga sundalo at hospital staff ang nasawi habang may 167 ang sugatan.

Binisita na ni Yemeni President Abd-Rabbu Mansour Hadi ang nasabing compound at iniutos sa kanyang senior military officials na magsagawa ng imbestigasyon.

Kabilang umano ang isang kaanak ni Hadi sa mga nasawi.

Nabatid na may 40 Pinoy na karamihan ay nurses ang nagtatrabaho sa nasabing ospital sa complex.

Samantala lahat ng Pinoy suvivors ay dinala na sa ligtas na lugar habang ang sitwasyon sa complex ay kontrolado na umano ng Yemeni security forces.

Inatasan din ng Embahada si Honorary Consul Mohammad Al-Jamal at Filipino community leader Esther Galahan na tingnan ang mga hospital morgues upang mabatid kung may iba pang mga Pinoy na kabilang sa mga nasawi sa suicide bombing.

Inatasan din ni Ambassador Ezeddin Tago si Vice Consul Redentor Genotiva na agad tumungo sa Sana’a upang magbigay ng assistance sa mga biktima, tingnan ang sitwasyon doon at tumulong sa gagawing repatriation sa mga labi ng mga nasawi.

Kinondena naman ng Malacañang ang suicide bombing at hiniling sa Yemeni government na mabigyan ng hustisya ang mga biktima at ares­tuhin ang mga responsable. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AMBASSADOR EZEDDIN TAGO

COMPLEX

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTHER GALAHAN

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HONORARY CONSUL MOHAMMAD AL-JAMAL

PINOY

YEMENI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with