Tension sa pagitan ng Pilipinas at China, humupa na
MANILA, Philippines - Humupa na ang tension sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pagtutulungan ng dalawang bansa matapos ang pananalasa ng super bagyong Yolanda.
Ayon kay House Independent Minority Bloc na si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romouldez, sa isang banda ay may mabuting naibunga ang pananalasa ng super typhoon Yolanda sa relasyon ng Pilipinas at China.
Sinabi ni Romualdez, ang pagtutulungan ng Pilipinas at China para sa mga biktima ng nasabing bagyo ay makakabawas ng tension sa pinag-aagawang West Philippines sea.
Ang China ay isa sa mahigit sa 40 bansa ang agad nagpadala ng malaking tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Bukod sa cash at relief donations, ang China ay nagpadala rin ng peace ark hospital ship sa Leyte para magamot ang mga nasugatan at nagkasakit dulot ng kalamidad.
- Latest