^

Bansa

Protection sa mga illegitimate children isinulong

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong sa Kamara ang panukalang nagbibigay protection para sa karapatan ng mga illegitimate children sa bansa.

Sa inihaing House Bill 3188 ni Gabriela Partylist Reps. Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan, pina­amyendahan nito ang Executive Order 209 o Family code of the Philippines.

Nakasaad sa panukala na masiguro ang proteksyon ng mga batang isinilang na hindi kasal ang mga magulang at masiguro na mapapangalagaan ang kanilang karapatan laban sa anumang uri ng diskriminasyon.

Bukod dito dapat din na ang maternal affiliation ng bawat batang illegitimate ay dapat nakabatay sa impormasyon hinggil sa kapanganakan nito, paternal affiliation na may voluntary recognition o sa pamamagitan ng judicial decision.

Nakasaad din sa HB 3138  na ang scientific evidence ay dapat maging admissible at maaaring makatulong para ma-establish ang paternity sakaling  hindi man ito kilalanin.

Kabilang din sa mga co-author ng nasabing panukala ay sina  Bayan Muna Party-list Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate, Kabataan Party-list Rep. James Mark Terry Ridon, Anakpawis Party-list Fernando Hicap at ACT Party-list Rep. Antonio Tinio.

 

vuukle comment

ANAKPAWIS PARTY

ANTONIO TINIO

BAYAN MUNA PARTY

CARLOS ISAGANI ZARATE

EXECUTIVE ORDER

FERNANDO HICAP

GABRIELA PARTYLIST REPS

HOUSE BILL

JAMES MARK TERRY RIDON

KABATAAN PARTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with