^

Bansa

Sa pagbasura ng PDAF Solons tututok sa paggawa ng batas

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magiging maaliwalas na ang hinaharap ng bansa nga­yong wala na ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas.

Ito ang pahayag ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza matapos na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa batas ang pork barrel.

Dahil dito kayat nanawagan si Atienza sa kapwa nito mambabatas na ituon ang kanilang atensyon sa paggawa ng batas at gawin ang kanilang mandato sa paggawa ng batas.

Paliwanag pa ni Atienza, ito na ang magandang araw para sa Pilipinas dahil hayag na ang good governance dahil sa desisyon ng Korte Suprema na siya umanong magsasalba sa demokrasya ng bansa.

Si Atienza ang isa sa hayagan na tumututol sa pork barrel bunsod sa umano’y illegal ang buong sistema ng mga mambabatas na naglalaan ng pera para sa kanilang pansariling interes.

ATIENZA

BUHAY

DAHIL

KORTE SUPREMA

LITO ATIENZA

MAGIGING

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SI ATIENZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with